BACOLOD CITY – Matagumpay na naipamigay ng Philippine Olympic Committe ang 100 na libreng bike sa mga national athletes matapos ang mahabang on line screening process kung saan nag apply ang mahigit isang libong mga athleta sa buong bansa.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa magkapatid na si Bien at Bambi Zoleta na parehong 2019 SEA Games Gold medalists sa Soft Tennis, labis silang nagpapasalamat sa kabila ng hindi parin makapaniwalang tig-isa silang nabiyan ng bike na magagamit nila papuntang training at trabaho lalo na at magkalayo sila ng tinitirhan ngayon dulot ng community lockdown.

”Iniisip parin nila ang welfare namin kahit nasa sitwasyon tayong ganito, kaya lubos kami na nagpapasalamat”. saad ni Bien Zoleta sa soft tennis

”Libo kaming athleta tapos isa ako sa maswerte na nabiyayaan ni POC ng libreng bike kaya grabe yong pasasalamat namin at sobrang masaya ako” ani Bambi Zoleta sa soft tennis

Binahagi din ng wrestling athlete na si Justin Ceriola na malaking tulong para sa kanya ang pagkakaroon ng bike upang ligtas na makapag commute.

”Sobrang laking tulong ng bike lalo na as we really need good cardio workout as well, sobrang thankful” pahayag naman ni wrestling athlete Justine Ceriola.