-- Advertisements --

Nasa 100 mga bus drivers at konductors ang sumailalim sa road safety seminar ng Land Tranportation Office sa Quezon City bilang paghahanda sa Semana Santa.

Ang nasabing seminar ay bahagi ng pagsisimula ng “Oplan Biyaheng Ayos! Semana Santa and Summer Vacation 2023” programa ng ahensiya.

Sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade, na layon ng seminar ay para paalalahanan ang mga drivers at conductors ukol sa polisiya sa mga road safety gaya ng anti-distracted driving, road speed limiter, anti-overloading at iba pa.

Nakatuon aniya ang LTO sa mga road worthiness ng mga public utility vehicles kaya binibisita nila ang mga iba’t-ibang bus terminals.