Sibak ang 10 tauhan ng Philippine Coast Guard na nakatalaga sa regional training center nito nang dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na pangingikil ng mga unauthorized fees sa mga bagong recruit.
Ito ay matapos na lumapit at magsumbong sa PCG ang mga biktimang nagreklamo nang dahil sa mga hindi awtorisadong paniningil sa kanila na umabot pa ng hanggang Php150,000.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, noong malaman ito ni PCG commandant Admiral Artemio Abu ay agad nitong pinasibak sa puwesto sampu na pawang subject sa pending investigation, habang ang iba namang mga tauhan nito ay nilipat sa ibang yunit ng PCG.
Samantala, kasabay nito ay ipinunto rin ni Balilo na libre ang training ng PCG at nagbibigay ng Php43,000 ang pamahalaan sa kada bagong recruit nito.
Bukod dito ay iniulat din ni opisyal na may naaresto rin silang mga indibidwal na nasisilbing “fixers” na nag o-offer ng slot sa mga aplikanteng nagnanais maging miyembro ng naturang ahensya.