-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Natukoy na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao officials kung sino ang nasa 10 armadong kalalakihan ang tumambang sa convoy na ikinasugat ni Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr habang tumawid sa kahabaan ng Maguing papunta ng Wao municipality ng lalawigan.

Ito ang resulta sa pinakilos ni BARMM interim Chief Minister Ahod Balawag ‘Murad’ Ebrahim na Moro Islamic Liberation Front ground commanders bilang tunggon sa apela ng gobyerno na tutulong pag-resolba sa ambush incident na ikinasugat sa tiyan ng gobernador.

Bagamat iniiwasan muna ni BARMM Interior Minister Naguib Sinarimbo na banggitin ang mga pangalan ng mga suspek dahil sa patuloy na imbestigasyon ng Special Investigation Task Group hinggil sa pangyayari.

Sinabi ni Sinarimbo na agad umaksyon ang BARMM leadership upang maiwasan na lumaki pa ang hindi magandang kaganapan sa probinsya.

Magugunitang ikinagulantang ng pamilya Adiong ang pananambang na ikinsawi ng kanilang apat na kaanak dahil wala umanong nakaaway o naka-rido na ibang malaking angkan sa kanilang lalawigan.