Pina-deport ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang 10 pang illegal aliens na nakaditine sa warden facility sa Taguig City.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morent, ang pagpapa-deport sa mga banyaga ay bahagi ng programa ng BI para ma-decongest ang mga piitan at maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang detention facility sa Camp Bagong Diwa.
Nangako naman itong tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagpapa-deport sa mga banyaga na wala nang nakabinbing kasong kriminal.
Dagdag ni Morente, mahigpit daw ang kanyang direktiba sa BI legal division nag bilisan ang resolution ng mga deportation cases laban sa mga alien detainees para makabalik na ang mga ito sa kanilang mga bansa sa lalong madaling panahon.
Una rito, idineport ng BI ang pitong Chinese nationals, apat dito ay pugante habang at tatlo ay illegal black sand miners.
“We will continue to send home these foreign inmates once they have been issued deportation orders and provided they have no pending criminal cases in court,. We are doing this to safeguard the health not only of the foreign detainees but also that of our personnel assigned to our warden facility,” ani Morente.










