BAGUIO CITY – Pinarangalan ang 10 outstanding students mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa isinagawang ika-58th na Search for the Top 10 Outstanding Students of the Philippines.
Kinilala ang mga ito na sina Shyla Alsaen at Shereen Padchonga mula Mountain Province State Polytechnic College; Brendon Bangco-og, Gabriel Tugbo at Kenjo Ernesto Bay-an mula Benguet State University; Vel Christian Castillo at Dianalyn Santos ng Saint Louis university; Joseph Dimmic Jr. ng Ifugao State university; Marcial Etong ng Cordillera Career Development College at si Cariza Mae Ferrer ng University of Baguio.
Naparangalan ang mga estudyante dahil sa kanilang mga skills, commitment, achievements at iba pa.
Sa awarding ceremony ay inihayag ng mga outstanding students ang kanilang pagnanais na maging catalyst sa nation building.