-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakatakdang isailalim sa mga programa ng pamahalaan ang sampung mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na una ng sumuko sa otoridad sa Sitio Mission, Barangay Andap, New Bataan, Davao De Oro dala ang kanilang mga armas.

Ayon pa kay Police Regional Office (PRO) 11 regional director Brigadier General Benjamin Silo Jr. na ang mga miyembro ng Davao Norte Provincial Mobile Force Company (DNPMFC), Provincial Intelligence Team (PIT) Davao Norte, Regional Intelligence Division 11 ug Provincial Intelligence Board ang nagsagawa ng massive implementation ng Internal Security Operations Campaign Plan sa PNP na “Kapatagan of the National Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Dahil sa nasabing aktibidad, boluntaryo na sumuko ang 10 mga NPA sa parehong nasa ilalim ng Weakened Guerilla Front 2 (WGF 2) at Sub-Mindanao Command (SRC) na nag-operate sa Davao region.

Ang nasabing mga rebel returnees ay nakilalang sina alias Junior; Karding; Benjil; Bud; Tatay Molong; at alias Abloy.

Kabilang sa mga sumuko si alyas Bebing; Rose; Flower; at Georgia.

Pareho ngayon na isinailalim ang mga surrenderees sa protective custody ng DNPMFC para sa isasagawang Custodial Debriefing Report (CDR) at iba para maka-avail ang ito sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Samantalang narekober sab sa mga kapulisan at kasundalohan ang ilang mga armas sa loob ng bisinidad ng Sitio San Vicente, Tuburan, Mawab, Davao Oro.

Kinabibilangan ito ng apat na unit ng AK 47 Chicos; AK47; M14; 2 M16 rifles; M79 Tube; ammunition; at 11 ka mga steel magazines.

Ang pagka-rekober sa nasabing mga armas ang dahilan sa mas pinalakas na operasyon ng PRO-11 laban sa loose firearms.