-- Advertisements --

Sesentro sa 10 barangay ang pagbabahay-bahay ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) teams sa Metro Manila, ayon sa Department of Health.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang naturang mga lugar ay napiling tutukan sa monitoring at active case finding dahil sa mataas na presensya ng clusters.

“So when we say there’s clustering, puwedeng sa isang bahay may dalawang tao na nagkaroon o higit pa o puwedeng sa isang munisipyo may dalawang barangay na nagkaroon at higit pa,” ani Vergeire sa Malacanang press briefing.

Batay sa datos ng DOH, kabilang sa 10 barangay na tututukan ng CODE strategy sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang:

-Pinagbuhatan (Pasig)
-Addition Hills (Mandaluyong)
-Sucat (Muntinlupa)
-Potrero (Malabon)
-Pembo (Makati)
-San Antonio (Paranaque)
-Brgy. 12 (Caloocan)
-Batasan Hills (Quezon City)
-CAA/BF International (Las Pinas)
-Fort Bonifacio (Taguig)

Sa ilalim ng CODE strategy, aalamin ng itinlagang teams kung sino mula sa naturang mga barangay ang may sintomas ng COVID-19.

Agad silang isasailalim sa confirmatory na RT-PCR tests, habang aatasang ma-isolate ang close contacts ng mga magpo-positibo.

Hindi lang DOH ang miyembro ng CODE teams dahil may mga kasama rin silang national at local health officials.

“When they go to the house, tatanungin lang, ‘Mayroon po bang may sintomas dito? Ano na po ang ginawa rito?'”