-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa isolation facility sa ngayon ang 10 months old na pinakabatang pasyente sa lungsod ng Koronadal matapos na mahawaan ng sakit ang manghihilot na ina nito.

koronadal map South Cotabato

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Brgy. Kapitan Angelica Bermil, kinilala nito ang ina ng pasyente na si Jen na isang manghihilot sa kanilang lugar.

Nahawa umano si Jen ng isa sa mga pasyente nitong nagpositibo sa COVID-19 na kanyang minasahe.

Matapos magpositibo ay kinailangan niyang dalhin ang kanyang 10 months old na anak dahil sa ito ay dumidede pa sa kanya.

Naiwang naka-quarantine sa kanilang bahay ang pitong mga anak kasama ang asawang isang traysikel drayber.

Dahil sa walang kita ang mister at kasalukuyang itinataguyod na lamang ng ayuda mula sa barangay.

Sa ngayon, nananawagan ang City Health Office ng Koronadal na magpabakuna na upang may panlaban sa tumataas na kaso ng COVID-19 lalo na ang Delta variant.