-- Advertisements --
Sampung miyembro ng Maritime Police sa Navotas, kabilang ang isang police major, ang nasa kustodiya na ng Navotas Police dahil sa pambubugbog sa isang binatilyo na nagtamo naman ng mga sugat.
Ikinokonsidera ang 10 bilang persons of interest sa insidente kung saan ayon sa ina ng 15-anyos na biktima, sinaktan, sinipa, at hinampas ng mabigat na bagay ang bata ng mga miyembro ng Maritime Group noong Biyernes, Agosto 25.
Nadala naman ang biktima sa pinakamalapit na ospital, at agad na sinamahan ito ng Navotas Police sa Mairitme Police upang tukoyin ang mga salarin, ngunit sinabi ng biktima na wala sa kanila ang naroroon noong pagbisita.
Inihayag naman ng ina ng biktima na hindi na ito magsasampa ng kaso.