Pagsisikapan ng Pilipinas na makapagturok ng 10 million na doses na bakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ni deputy chief implementer of the government’s pandemic Secretary Vince Dizon sa isinagawang briefing kasama ang mga Israeli vaccination experts.
Ayon kay Dizon, ang Pilipinas ay nakapagturok ng 350,000 doses na bakuna kahapon ang pinakamaraming bilang na naiturok sa loob ng isang araw.
Gayunman, binigyang diin din ni Dizon na ang bilang ng mga doses na ibinibigay ay higit na nakasalalay sa supply ng bakuna.
Ang Pilipinas ay nakatanggap ng higit sa 16 milyong doses sa ngayon, kasama ang pinakabagong kargamento na nagmula sa kompanya ng China na Sinovac.
Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang bansa ay nakapagturok na ng higit sa 9.2 milyong doses hanggang Hunyo 23.









