Nasagip ang nasa 10 katao ng search and rescue teams na ipinadala ng Pilipinas para tumulong sa mga biktima ng lindol sa Turkey simula ng dumating ang mga ito sa Adiyaman nong nakalipas na linggo na isa sa matinding napinsala.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nitong nakalipas na araw, nasa kabuuang 36 na mga gumuhong gusali ang hinalugad ng 82 miyembro ng Philippine Inter-Agency Contingent.
Sa unang araw ng search and rescue operations ng contingent ng Pilipinas nasa apat na biktima ang naisalba habang nasa lima pang katao ang nasagip noong Pebrero 11.
Natagpuan din at nailigtas ng Philippine contingent sa ikatlong araw ng kanilang rescue operatiosn ang nasa limang survivovrs.
Sa kasamaang palad naman nasa 124 bangkay ng mga biktima ng lindol ang narekober ng grupo mula sa mga gumuhong gusali sa nakalipas na anim na araw.
Samantala ang medical team naman ng Pilipinas na kabilang sa contingent ay nalapatan ng angkop na medical acre at assistance ang nasa 353 pasyente.