-- Advertisements --
Kasalukuyang iniimbestigahan ng task force ng Commission on Elections (Comelec) ang sampung kaso laban sa vote buying.
Ngunit, nilinaw ni Commissioner Aimee Ferolino na patuloy pa rin silang nakatanggap ng maraming reports ar reklamo kaugnay sa vote buying sa kanilang official email address at Facebook page.
Hinihikayat din ng task force ang publiko na “hindi lamang mag-ulat ng mga insidente ng vote-buying or vote-selling, ngunit maging aktibong lumahok sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang affidavit at pagsusumite ng ebidensya.”
Ang mga insidente ng pagbili ng boto at pagbebenta ng boto ay maaari ding iulat sa opisyal na Facebook page ng Task Force Kontra Bigay at ang email address nito sa kontrabigay@gmail.com.