-- Advertisements --
comelec chairman george garcia

Posibleng maharap sa ibat ibang kaso ang sampung mga local government unit officials sa bansa, dahil sa umanoy pakikialam sa nakalipas na BSKE 2023.

Ayon kay COMELEC Chair George Erwin garcia, ang mag ito ay natukoy na nakisawsaw sa naging halalang pambrgy.

Sa kasalukuyan, sinabi ng COMELEC Chair na isinasapinal na nila ang bilang ng mga ito, kasama na ang charges na maaari nilang ihain laban sa kanila.

Pero sa kasalukuyan aniya, hindi bababa sa sampung LGU officials ang kanilang isinasailalim sa countercheck para sa tuluyang paghahain ng kaso.

Paliwanag ng COMELEC Chair, kailangang maging maingat ang poll body upang matiyak na magpursige ang mga naturang kaso.

Maalalang bago nito ay una nang sinabi ni Garcia na may mga Alkalde at mga gobernador na kanilang natukoy na umanoy nasangkot sa vote-buying activities na nakalipas na BSKE