-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakahimpil sa General Santos International Airport ang 10 eroplano mula sa sa iba’t ibang kompanya na apektado sa Super Typhoon Rolly (Goni) at Bagyong Siony (Atsani).

Ayon kay GenSan Mayor Ronnel Rivera, ang pagdating ng nasabing mga eroplano ay bilang “safekeeping” habang nananalasa ang bagyo sa Bicol Region at iba pang parte ng bansa.

Kabilangan dito ang dalawang A320 ng Air Asia, tatlong Boeing 777 at isang A320 ng Philippine Airlines, dalawang Airbus A321 at isang A330 ng Cebu Pacific, at isang un-identified model na lumapag kahapon.

Nalaman na sinuspinde ng gobyerno ang major flight operation kaya nananatili ang mga ito sa GenSan airport.

Nabatid na mula alas-10:00 ng umaga kahapon ngayong araw sa parehong oras ay walang flight na aalis at lalapag sa Ninoy Aquino Internationa Airport.