-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nananatili ngayon sa evacuation center ang 10 pamilya na biktima ng nanalasang buhawi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Brgy. New Carmen Capt. Fredie Brengas, na alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes nang salantain ng buhawi ang nasa 10 bahay na pawang gawa sa light at concrete materials.
Wala namang nagkasugat o injury mula sa mga biktima.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng psychological at financial assistance ang LGU ng Tacurong para sa mga biktima ng nasabing kalamidad.
Umiiral ang quarantine protocol sa lungsod ng Tacurong dahil sa banta ng COVID-19.