CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang tricycle driver matapos umanong manggahasa ng isang sanggol sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang salarin na si Ronald Gunayan, na kaanak mismo ng isang taong gulang na biktimang babae.

Ayon kay Cogon Municipal-Philippine National Police commander Capt. Dennis Quindara, may inilabas na temporary medical certificate ang Northern Mindanao Medical Center na posibleng magdiin sa suspek kapag isinampa ang kaso nito bukas.

Batay sa reklamo ng inang si Rosie Simon, nakitaan niya ng sugat ang ari ng kanyang anak, gayundin na may naiwan daw na semilya.