-- Advertisements --

Ipinapanukala ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodrigyez na magkaroon ng isang taon na prescription period para sa cyber libel.

Inihain ni Rodriguez ang House Bill 7010 kasunod ng conviction ng Manila Regional Trial Court kina Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer na si Reynaldo Santos Jr.

Binanggit ni Rodriguez sa kanyang panukala ang magkaibang opinyon sa prescription period, kaya para maiwasan ang kalituhan dito ay pinaamiyendahan niya ang Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nais niyang malagyan ng prescription period para sa mga pagkakasalang pinaparusahan sa ilalim ng naturang batas.