Gazini cuts 9yr streak

Naniniwala si Gazini Ganados na hindi pa niya nararanasan ang “best days” ng kanyang buhay.

Pahayag ito ng 23-year-old Cebuana-Palestinian beauty, isang linggo matapos bigong maibigay sa bansa ang back to back win sunod kay Catriona Magnayon Gray sa 2019 Miss Universe coronationa.

Ayon kay Gazini na ipinanganak sa Zamboanga, maaaring hindi siya nagtagumpay sa Miss Universe ngayong taon pero mananatili ang kanyang advocacy na nakasentro sa mga senior citizens.

“What a wonderful thought it is that some of the best days of our lives haven’t even happened yet. 🙏🏼 After a week of social media hiatus to give myself some time to rest, I’m definitely back! And I have been wanting to say this: DAGHANG SALAMAT! Maraming Salamat Pilipinas! I couldn’t be more proud as our country’s name was called while seeing our kababayans raise our flag in Atlanta. 🇵🇭 Our journey to Miss Universe might have come to its conclusion, but our fight for our causes will forever live on. 🔥” caption ni Ganados.

Sa mga sumunod pa nitong online posts, nagpahiwatig si Gazini na handa na itong ipagpatuloy ang normal na buhay at katunayan ay enjoy siyang mamasyal sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

“Coffee break. Long Day Roadtrip to San Francisco today! Thankyou mama @byhydeemarie ❤️ Any suggestions about things to try in SF?”

Una nang naiulat na sa Amerika na ipagdiriwang ni Gazini ang Pasko sa December 25 at ang kanyang birthday kinabukasan.