May pasok na muli ang mga mag-aaral at empleyado ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa Paco, Manila.

Emilio Aguinaldo College

Ito ay matapos na isang linggo na suspendido ang pasok sa naturang paaralan makaraang tumagilid ang isa sa kanilang building kasunod ng nangyaring magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Abril 22.

Ang naturang building na ito ay hindi gagamitin pansamantala dahil na rin sa nagpapatuloy na inspeksyon na ginagawa ng mga otoridad para rito.

Sinabi ng management ng EAC na ang mga klase at office operations na isinasagawa sa Building 7 ay pansamantalang ililipat sa Building 5 at 6.