Nagpatiwakal ang isa sa mga suspek sa malagim na pagpatay sa mag-iinang Casabuena sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon kay San Jose Del Monte City Police chief Lt/Col. Orlando Castil Jr., nagbigti ang suspek na si Jozelito Cortez gamit ang electric wire mula sa kisame ng kubeta sa selda nito sa City Jail.

-- Advertisement --

Kuwento ng isa pang preso na si Marlon Sabonsolin, gagamit lang sana siya ng banyo nang tumambad dito ang nakabigting si Cortez.

Isinugod pa sa San Jose del Monte City District Hospital si Cortez subalit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng suspek para matukoy kung may foul play, habang ongoing na rin ang imbestigasyon ng pulisya.