-- Advertisements --

Lumitaw na ang isa sa anim na pulis na napaulat na nawawala at naiipit sa Marawi.

Ayon kay PNP ARMM regional director, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, na kanina lamang umaga nakalabas mula sa pinagtataguan nito ang nasabing pulis na hindi muna pinangalanan.

Sa ngayon nasa limang pulis na lamang ang naiipit pa sa lugar ng bakbakan sa loob ng nasabing lungsod

Sinabi ni Sindac, may contact na sila sa natitira pang mga pulis na ito sa loob ng Marawi.

Unang sinabi ni Sindac na nasa 70 mga pulis ang unaccounted pero nag report na umano ang mga ito at sa ngayon lima na lamang ang ina-account pa.

-- Advertisement --

Aminado naman si Sindac na hindi siya na-update hinggil sa bilang ng mga pulis na nag report na.