NAGA CITY- Patay ang isang rider matapos maaksidente sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Sooc, Lupi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Warren Jeff Catacutan, 22 anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa mga otoridad, nabatid na kasali ang biktima sa motor rally, isang aktibidad ng mga riders sa Bicol ngunit pagdating sa naturang lugar nang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang biktima.

Kaugnay nito nagtamo ng mga tama sa katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.