Isa na ang napaulat na patay sa sa Western Visayas nang dahil sa pananalasa ng mga Bagyong Goring at Hanna sa Pilipinas ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng naturang kagawaran, ang naturang ulat ay kasalukuyan pa ring isinasailalim nito sa kaukulang validation.
Samantala, sa kabilang banda naman ay idineklara na rin ang state of calamity sa Pototan, Iloilo nang dahil sa lakas ng epekto ng naturang mga bagyo sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay nasa kabuuang 387,242 katao o 106,677 na mga pamilya naman ang naaapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Goring at Hanna sa bansa partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Wester Visayas, at Cordillera Adminsitrative Region (CAR).
Mula sa naturang bilang, nasa 21,701 indibidwal o katumbas ng 5,152 na mga pamilya ang kasalukuyang nananatili ngayon sa 293 evacuation centers habang nasa 24,827 katao naman o 6,092 na mga pamilya ang pansamantalang nakikituloy sa ibang mga lugar.