-- Advertisements --
Isa ang patay ang anim ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa isang mall sa Bangkok, Thailand.
Naaresto agad ng mga kapulisan ang suspek na isang 14-anyos na binatilyo na siyang nasa likod ng pamamaril sa Siam Paragon mall.
Kinumpirma ni Police General Torsak Sukvimol ang hepe ng kapulisan sa lugar na ang suspek ay may mental health record conditon na ginagamot sa Rajvithi hospital subalit tumigil ito sa paggamot.
Tiniyak naman ni Prime Minister Srettha Thavisin ang tulong sa mga pamilya ng mga nasawing bikitma.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.
Magugunitang noong 2020 ay isang dating sundalo ang pinagbabaril ang mga tao sa shopping mall sa Korat na ikinasawi ng 29 katao.