DAVAO CITY- Patuloy pa ngayong inaalam kung may kasamang natabunan ng lupa ang biktima sa nangyaring landslide sa Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro alas 7:30 umaga nitong Martes.

Sinabi ng Brgy. Captain ng Mt. Diwata na si Pedro Samillano Jr., nangyari ang landslide sa Purok 10, Patindol, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro.

Natutulog umano sa may kusina ang biktima na si Abner Abejo, 37 anyos, binata at residente ng Gingoog City nang mangyari ang pagguho ng lupa.

Kaagad namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga tauhan ng Mt. Diwata Special Sub Police Station na pinangunahan ni P/Lt. Rhuji Hernandez, area supervisor kasama ang mga tauhan ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Office at Municipality Disaster Risk Reduction Management Office ng Monkayo.

Ngunit wala ng buhay ng matagpuan ng mga ito ang nasabing biktima.

-- Advertisement --