NAGA CITY – Patay ang isang drug personality matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa nangyaring anti-illegal drug operation sa Brgy. Poblacion Zone-1, Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Alberto Demagante.

-- Advertisement --

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP-Del Gallego, napag-alaman na sa gitna ng operasyon, bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga otoridad ngunit hindi ito tinamaan.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga responding officer na nagresulta sa pagkamatay ni Demagante.

Nakumpiska sa pinangyarihan ng insidente ang 10 plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang unit ng caliber .38 at iba pang drug paraphernalia.