Reading Time: 1 minute

Zamboanga City- Patay ang driver ng pick up na si Clayton Sabanal samantalang sugatan naman ang iba pang mga pasahero na lulan ng isang pick up matapos itong mabangga ng rural transit sa Timan Bridge, Liloy, Zamboanga Del Norte.

Kinilala naman ang driver ng rural transit na si Noel Flores.

Sa eksklusibong panayam ng Star fm Zamboanga kay Pssg. Argie Lihay Lihay ng PNP sinabi nito na ang naging sanhi ng salpukan ay konektado pa rin sa tropikal depression marilyn na kung saan naging zero visibilty ang daanan at pakurbada rin ang kalsada nito.

Ang insidente ay nangyari sa dakong alas 3:50 ng madaling araw.

Sa lakas ng impact ng banggaan agad naman itong ikinamatay ng driver ng pick up.

Samantala, kinasuhan naman ng mga otoridad ang driver ng nasabing rural transit na reckless imprudence at pansamantala itong naka detained sa Liloy Custodian Facility.