-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang tsuper sa banggaan ng motorsiklo at van sa Surcoc, Naguilian, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Federico Dulay Jr., Deputy Chief of Police ng Naguilian Police Station, sinabi nito na ang sangkot sa aksidente ay isang Hyundai Grace Van, na kulay green at minaneho ni Raymart Vizcara, 31-anyos, driver, at residente ng Bitabian, San Mariano, Isabela.

Ang Motorcycle XMAX naman na kulay itim ay minaneho ni Carl Mike Christopher Marabilla, 33-anyos, may asawa, nurse, empliyado ng Gamu Agri-Fishery School sa Gamu, Isabela at residente ng Santa Cruz, Benito Soliven, Isabela.

Sa pag-iimbistiga ng Naguilian Police Station, patungo sa Cauayan City ang van na may kargang saging habang ang biktima ay papauwi na sa bayan ng Benito Soliven nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang tsuper ng motorsiklo na agad dinala ng mga personnel ng Rescue 101 ng Naguilian, Isabela sa Faustino L Dy Sr., Memorial Hospital sa lunsod ng Ilagan pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

Wala namang tinamong sugat ang tsuper ng van maging ang apat na sakay nito.

Ayon kay PCapt. Dulay, umagaw ng linya ang driver ng motorsiklo maliban pa sa kapwa mabilis na patakbo ng dalawang tsuper.

Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide and Damage to property ang tsuper ng van.

@