Isa ang patay sa naganap na gas explosion sa Baltimore, United States.

Ayon sa Baltimore City Fire Department, isang babae ang nasawi at dalawa ang nasugatan na nasa malubhang kalagayan.

Sinasabing tatlong kabahayan naman ang lubhang naapektuhan sa nasabing pagsabog.

Mabilis naman nagtungo sa lugar ang Baltimore Gas and Electric.