-- Advertisements --

Patay ang isang katao habang limang iba ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang simbahan sa Laguna Woods, California.

Ayon sa Orange County Sheriff Office pawang mga nasa tamang edad ang mga biktima sa pamamaril sa Geneva Presbyterian Church.

May isang suspek aniya silang naaresto subalit hindi na nagbigay pa ang mga otoridad ng pagkakakilanlan dito.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa motibo ng nasabing insidente.