DAVAO CITY – Patuloy ngayon na minomonitor ang kalagayan ng ilang mga indibidwal na nasasangkot sa aksidente na nangyari sa Sitio Lanitom, Brgy Suawan, Marilog Dist. nitong lungsod kung isa sa mga biktima ang nalagutan ng buhay.
Sinasabing sangkot sa nasabing aksidente ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang Gonzaga Erwin Magkidong, residente ng Calinan nitong lungsod at sakay nito na si Mark Alexis Lesigues Calumba, residente ng Calinan nitong lungsod at isang unit ng Isuzu dropside na minamaneho rin ni Richmund Lamela, residente ng Mangagoy, Bislig City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nasa opposite lane ang dalawa kung saan ang motorsiklo at nagmula sa Calinan proper at patungong Marilog habang ang sasakyan na may kargang mga gulay ay mula sa Marilog proper at papunta sa lungsod.
Pagdating umano nito sa may curve lane sa nasabing lugar, nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan.
Binangga nito ang nakasalubong na motorsiklo matapos na pumasok ito sa kabilang lane.
Napunta naman sa open canal ang sasakyan matapos ang insidente.
Lahat ng sakay ng sasakyan ay natapon na siyang dahilan ng kamatayan ng isang Retada Rhandulf , residente ng Mangagoy Bislig City, habang ang ibang mga biktima ay isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) dahil sa kanilang natamong mga injury sa katawan.
Magsasagawa pa ng dagdag ng imbestigasyon ang otoridad sa nasabing insidente.










