-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isa na ang binawian ng buhay habang nasa higit 70 mga indibidwal ang naospital dahil sa diarrhea outbreak sa Purok Spring, Barangay Lampari, Banga, South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Dr. Ellen Quidilla, Municipal Health Officer ng Banga sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Dr. Quidilla, isang 75-anyos na senior citizen ang namatay dahil sa dehydration at kumplikasyon dulot ng diarrhea habang umabot naman sa 42 mga indibidwal ang isinugod kaninang madaling araw sa Socskssargen General Hospital dahil sa pagtatae, pagsusuka at panankit ng ulo.

Sa inisyal na pagsiyasat ng MHO-Banga at ng IPHO-South Cotabato mula sa kontaminadong tubig na iniinom ng mga residente sa lugar ang pinagmulan ng outbreak.

Kaya’t ipinagbawal muna sa ngayon ang pag-inom ng tubig sa “source of drinking water” ng mga residente upang maiwasan na madagdagan pa ang mga apektado.

Sa katunayan, may higit 20 pa umano na nasa kani-kanilang tahanan lamang at hindi na nadala pa sa ospital na nakaranas ng kaparehong sintomas.

Dahil sa pangyayari, nagpadala ang MHO-Banga ng medical team na siyang tumututok ngayon sa mga apektadong residente.

Nagbigay na rin ng malinis na inuming tubig ang LGU-Banga sa mga residente at karagdagang dextrose at gamot naman para sa mga ito pasyente.

Napag-alaman na kumuha nan ang sample ang IPHO_South Cotabato sa mga pasyente at isinailalim sa test upang malaman ang pinagmulan ng sakit at kung tama nga ang paniwala ng mga ito na “Cholera Outbreak” ang nangyari sa nabanggit na lugar.