-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patay ang isang tsuper ng sasakyan habang nasugatan ang kanyang misis matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa poste ng isang telekomunikasyon sa Maharlika Highway, Purok 2, Barangay Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya

Nakilala ang nasawi na tsuper ng pulang Kia Pride na may plakang AHA 101 na si Lucio Tayaban, 62 anyos, habang, nasugatan ang kanyang maybahay na si Dolores Tayaban, 58 anyos, kapwa residente ng Poblacion, La Trinidad, Benguet.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMSgt. Milter Villanueva, imbestigador Bayombong Police Station na Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na binabagtas ng nasabing sasakyan ang national highway patungong timog na direksiyon at nang umabot sa nabanggit na lugar ay nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver sanhi para bumangga sa poste ng isang telekomunikasyon.

Matagal anyang naipit ang tsuper sa minamanehong sasakyan at nagtamo ng malubhang sugat sanhi para ideklarang dead on arrival sa ospital ng kanyang attending physician.

Ang asawa naman ng drayber na si Ginang Dolores Tayaban ay kasalukuyan pang ginagamot sa ospital.

Sinabi pa ni SPO1 Villanueva na batay sa mga nakasaksi sa aksidente ay mabilis ang takbo ng sasakyan ng bumangga sa isang poste