-- Advertisements --

Sugatan ang walong biktima habang isa naman ang patay sa naganap na pamamaril sa Washinton, DC kaninang umaga.

Sinabi ni DC Metropolitan Police Chief Peter Newsham na nakasakay sa kotse ang tatlong suspek bago paulanan ng bala ang grupo.

“This type of brazen daylight activity in a very, very busy block, I’m sure, is scary for this community,” ani Newsham. “I don’t know what people are thinking if they think they can enter a block and lay down that many rounds. They’re putting everyone in this community in jeopardy.”

Hinihinala ng mga otoridad na planado ang naturang pamamaril.

Isa lamang ito sa halos daan-daang gun violence incident na nagaganap sa buong Estados Unidos.