-- Advertisements --
Isa ang patay habang pitong katao ang sugatan matapos na paulanan ng Russia ng mga missiles ang Donetsk region sa Ukraine.
Ayon sa Donetsk Regional Prosecutor’s Office na tumama ang ilang missiles ng Russia sa railway station, palengke at mga kabahayan.
Ang nasawing biktima ay isang 50-anyos na babae na nakatira sa Plvdenne.
Nagdulot din sa pagkakasira ng hindi bababa sa 30 gusali ang ginawang pagpapaulan ng missile ng Russia.