-- Advertisements --

Isang katao ang nasawi at anim ang nasugatan sa pagsabog ng oil tanker sa Hong Kong.

Ayon sa Hong Kong Government Flying Services na sumabog na lamang ang oil tanker sa karagatan na may layong 300 kilometro sa silangan ng Hong Kong.

Agad na nagpadala ng mga helicopters at eroplano ang mga otoridad para sa pagligtas sa pitong crew members.

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing insidente.