NAGA CITY- Isa katao ang patay habang sugatan naman ang anim na iba pa matapos tamaan ng kidlat sa Barangay San Vicente, Canaman, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Alvin Dela Rosa, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head ng Canaman, sinabi nitong pasado alas 5:00 kahapon ng hapon, nagpahinga ang anim na mga trabahador sa kanilang barracks na malapit sa isang mangga.

Ngunit bigla na lamang tinamaan ang mga biktima ng kidlat na nagin daan para magtamo ang mga ito ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naitakbo sa ospital.

Hindi na naagapan ang buhay ng isa sa mga ito habang kritikal pa ang kalagayan ng isa.

Kung maaalala, kamakailan lamang ng mahigit sa 50 pamilya sa naturang bayan ang naapektuhan matapos tumama rin ang isang buhawi sa lugar.