Patay ang isang humanitarian worker habang apat ang sugatan kabilang ang dalawang barangay kagawad matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan ang sinasakyan nilang Misubishi Lancer kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Regional Office ARMM chief CSupt. Graciano Miajres galing sa Upi Maguindanao patungong Cotabato City.

Kinilala ni Mijares ang napatay na humanitarian worker na si Betchie Yap, staff ng ARMM Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART).

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang hot pursuit operations ng mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Maguindao laban sa mga suspeks.

May tinukoy na rin na ilang personalidad ang PNP na suspek sa pananambang.

Isa sa mga motibo na tinitignan ngayon ng PNP na posibleng may kinalaman sa pulitika ang pananambang.

Umapela naman ang PNP sa publiko sa sinumang makapagbigay ng impormasyon na may kinalaman para sa agarang pag resolba sa kaso.