KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa loob ng compound ng sabungan sa lungsod ng Koronadal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Brgy. Sto. Niño, Koronadal City kapitan Norberto Bañaria, nangyari ang pamamaril sa Prk. Kaunlaran Brgy. Sto. Niño sa loob mismo ng Koronadal Sports Complex.

Dead on the spot si Reynan L. Pagdato, 54 at kritikal naman si Harry Ogpon Depito, 15.

Sugatan naman ang mga kasamahan nilang sina Johnreal Ogpon Alverio, 22 at Mark John Berameda, 12.

Sa pag responde ng mga kasapi ng Koronadal City PNP sa lugar, pitong basyo ng kalibre .45 ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon blangko pa rin ang mga otoridad sa identity ng mga suspek ngunit sinasabing may mga nakaaway umano ang mga kabataang biktima bago pa nangyari ang pamamaril.