CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong katao nang mahulugan ng sanga ng balete sa Balangay 9, Poblacion, Quezon, Bukidnon.

Kinilala ang nasawi na si Matranillo Cabaltero, 56, may asawa at residente ng Purok 5, Brgy Mibantang sa naturang bayan.

Ayon sa Quezon PNP, nakaupo lamang ang biktima sa gilid ng Luan-luan swimming pool sa naturang lugar ng biglang may nasa 30 ft na sanga ng balete ang nahulog.

Tinamaan sa ulo si Cabaltero at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival.

Nasa ligtas naman na kalagayan ang tatlo pang mga biktima matapos malapatan ng gamot dahil sa tinamong minor injury dahil sa nangyari.