KALIBO, Aklan – Isa ang patay habang dalawa naman ang sugatan sa karambola ng sasakyan at dalawang motorsiklo sa Barangay Tigayon, Kalibo, Aklan.

Patay ang angkas na si Aaron Gupana ng Barangay Lapnag, Banga.

-- Advertisement --

Sugatan naman ang driver nitong si Roel Nervar, driver ng isa pang motorsiklo na si Roberto Concon at angkas nitong si Aldren Rufo.

Dahil sa impact ng banggaan, tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo at nayupi ang unahang bahagi ng kotse.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na mula sa bayan ng Banga ay nagkayayaan ang apat na pumunta ng Kalibo para makisaya sa Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Festival.

Sinubukan umanong mag-overtake ni Concon sa sinusundang sasakyan, kaya aksidente niyang nabangga ang kasalubong na kotse.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.