CAUAYAN CITY – Patay ang isang katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa sa banggaan ng dalawang sasakyan sa national highway ng Distct 3, San Manuel, Isabela.

Wala nang buhay nang makarating sa ospital ang driver ng Suzuki Dzire na si John Carlo Frondarina, 22, binata at residente ng Sandiat West, San Manuel, Isabela dahil sa mga tinamong malubhang sugat.

Sugatan naman sa aksidente ang driver ng nakabanggaang Toyota Innova na si Francisco Angeles, 58, residente ng Nuesa, Roxas, Isabela; gayundin ang pasahero nito na sina Anabelle de Chavez, 51, LGU employee; at Rosie Angeles, 79-anyos, biyuda, kapwa residente rin ng Nuesa, Roxas, Isabela.

Nagtamo ng malubhang sugat si Frondarina na agad dinala sa ospital subalit idineklang dead on arrival ng attending physician.

Ang mga nasugatan na sakay ng Innova ay ginagamot sa ospital.