ARAKAN COTABATO 1

CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi habang umaabot sa 118 ang naospital nang malason sa pista sa probinsya ng Cotabato.

Nangyari ang insidente habang nagkakaroon ng selebrasyon ng kapistahan sa Brgy Salasang sa Arakan kung saan marami ang namista.

Pagkatapos kumain ay nakaramdam umano ng sobrang sakit ng tiyan, nagsusuka at LBM ang ibang mga residente.

Agad dinala ang mga biktima sa mga pagamutan ngunit isang 53-anyos ang binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng IPHO Cotabato at Arakan Municipal Health Office lalo na sa nakain ng mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkalason.