KORONADAL CITY – Nagdulot na ng labis na pagkaalarma sa mga residente ng Purok Mabini, Barangay Naci sa Surallah, South Cotabato, ang dumaraming biktima ng dengue sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Grace Gardonia, sa kanilang bahay ay apat sila ang dinapuan ng dengue kabilang na ang mga pamangkin nitong menor de edad.
Habang sa buong Purok Mabini, nasa 11 pamilya na rin ang tinamaan ng nakamamatay na sakit.
Pahayag nito na wala umanong ginagawang aksyon ang kanilang Barangay Council kaugnay sa nasabing problema.
Ipinahayag naman ni Suralla South Cotabato Municipal Health Officer Niel Crespo na nakamonitor sila sa insidente kung saan nakatutok din ang Municipal Epidemiological Unit ng kanilang bayan.
Dagdag pa nito na nagsagawa na rin ng clean-up drive ang Barangay Council kasabay ng paghimok sa mga biktima ng dengue na lumapit sa Muncipal Health Center ng Surallah upang malunasan ang kanilang sakit matapos isa na ang tuluyang namatay.