-- Advertisements --

Kinumpirma ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3.

Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital.

Sa ngayon, hawak na raw ng PNP ang suspek sa pamamaril.

Dahil sa shooting incident sa Areté, ipinagpaliban muna ang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School na naka-schedule ngayong hapon.

Samantala, nasa sasakyan naman daw si Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander G. Gesmundo na siya sanang guest speaker sa Ateneo Law School Graduation ceremony nang naganap ang insidente.

Dahil dito ay inabisuhan daw ang chief justice na huwag na itong tumuloy.

Ayon naman kay SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, ligtas naman daw si ang punong mahistrado.