-- Advertisements --

Isa pang Pilipino mula Afghanistan ang dumating sa Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kanilang latest update, sinabi ng DFA na kabuuang 185 Pilipino na ang inilakas mula sa Afghanistan habang 16 naman ang humihingi ng tulong para sa kanilang repatriation.

Nauna nang tiniyak ng DFA na walang mga Pilipino ang nasawi sa pambobomba na nangyayari sa labas ng Kabul airport noong Huwebes.

Pero, sinabi nila na dalawang Pilipino ang hindi nagawang makalabas ng bansa dahil sa sitwasyon doon.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang idineklarang Alert Level 4 ng pamahalaan sa naturang bansa.

-- Advertisement --