BUTUAN CITY – Opisyal nang binuksan ang 50 bed quarantine facility sa may Brgy. Baan Km. 3 nitong lungsod na isang grant mula sa Department of Public Works and Highways-Butuan City District Engineering Office (DPWH-BCDEO) para sa city government.
Ayon kay City Councilor Cherry Mae Busa, chairman ng Committee on Health sa Sangguniang Panlungsod, ang halos P25 milyon halaga ng grant ay naglalayong tulungan ang lokal na pamahalaan nitong lungsod na ma-accommodate ang mga pasyenteng may Coronavirus diease 2019 (COVID-190 lalo na ang mga may sintomas.
Pangangasiwaan ito ng mga personahe ng City Health Office (CHO) at ng Butuan Medical Center (BMC).
Dagdag pa ni Busa, nag-commit na sa kanila ang Department of Health (DoH)-Caraga na magbibigay ng karagdagang mga nurses, midwives at doktor na suswelduhan ng ahensiya.
Dagdag pa ni Konsehal Busa, sakalilng mawawala na ang pandemya ay gagamitin ang mga quarantine facilities para sa mga simple at mild na mga sakit upang hindi na dadalhin pa sa BMC na siyang nakasaad sa primary health care facility base na rin sa Universal Healthcare Act na nilagdaan na ni Pangulong Duterte.