Reading Time: 1 minute

Kinumpirma ni Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesman Markk Perete na sumuko na ang ika-apat na suspek sa Chiong sisters rape-slay case na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Ang dating inmate ay si James Anthony Uy na nakalaya pero nagpahayag na susuko kasama si Josman Aznar.

Una rito, kinumpirma ni Justice Usec. Deo Marco na sumuko na sina Ariel Balansag at Alberto Caño.

Nahatulan sila dahil sa panggagahasa at pagpatay sa magkpatid na Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong July 16, 1997.

Sa ngayon nasa New Bilibid Prison (NBP) na sina Balansag at Caño.