-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na may isa pang Chinese drug lord na nasa kanilang kustodiya matapos palayain sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa BI, ang isa pang Chinese national ay si Ho Way Pang na napalaya matapos mapagkalooban ng good conduct time allowance (GCTA).

Kahapon nang kumpirmahin din ng BI na nasa kanilang warden facility ang apat na Chinese national na napalaya matapos pagkalooban ng GCTA.

Kabilang dito ang mga convicted drug lords na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che at Wu Hing Sum.

Ayon kay BI Deputy Spokesman Melvin Mabulac, nilagdaan at inaprubahan na ng Board of Commissioners ang summary deportation laban sa mga banyaga.

Una rito, ibinunyag ni Sen. Ping Lacson na apat na Chinese drug lord ang pinalaya sa NBP na nakauwi na sa China.